Header Ads

Isang Matandang naglingkod sa bayan bilang Sundalo, Tuluyang Inabanduna ng Pamilya



Mahirap nga naman talaga ang buhay ng isang sundalo. Lagi kang malayo sa iyong pamilya, at higit sa lahat, nasa hukay na ang isang paa. Sila ang mga nagsasakripisyo ng kanilang buhay at kasiyahan para sa kaligtasan natin at ng ating bayan. Sumasabak sila sa mga giyera upang ipagtanggol ang ating bansa sa mga taong gustong sumira nito. Sila ang mga tunay na bayani.

Ngunit dahil napakahirap ng kanilang mga pinagdadaanan. Lalong-lalo na kung sila ay galling sa pakikidigma, karamihan sa kanila ay nagkakaroon ng sakit na ‘war-shock’ o PTSD, Post Traumatic Stress Disorder, na kung saan ay nasisira ang kanilang mga pag-iisip dahil sa trauma na naidudulot ng digmaan.



Kaya naman malaki ang binibigay na sweldo ng ating gobyerno sa ating mga tropa dahil napakahirap nga naman ng pinagdadaanan nila araw-araw. Laging alerto at nasa bingit ng kamatayan. Isang maling galaw lamang ay maaaring maiwan nila ang kani-kanilang mga pamilya. Ngunit, kahit malaki na ang binibigay na sweldo ng gobyerno sa kanila, ang karamihan pa din sa ating mga sundalo ang naghihirap dahil hindi sila makapag-ipon kakaisip sa kanilang mga pamilya. At dahil dito, ang iba sa kanila ay nagiging palaboy na lamang.

Ang kwentong ito, ang tungkol kay M. Sgt. Narciso Alpas. Isang dating sundalo na naging palaboy na ngayon dahil sa PTSD.

Sa isang facebook post nakilala si Alpas. Makikita sa video na natutulog lamang sa tabi-tabi at gamit lamang ang sako ng bigas bilang kanyang kumot. Dahil dito, maraming netizen ang naawa sa kanya. Makikita din sa video na wala na sa tamang pag-iisip si Alpas dahil sa war-shock.

Ayon sa facebook post na ito, si Alpas daw ay naging sundalo nuon at nag-silbi siya sa 365 ES, na kung saan siya ay parte ng 255th aviation engineering wing of the Philippines Air Force. Pagkatapos niyang maglingkod dito ay lumipat naman siya sa 710 Special Operations Wing of the Air Force, na kung saan ay maituturing ng isang batiking grupo sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Sabi sa facebook page na ‘All About the Philippines’, si Alpas daw ay may tama na sa ulo at wala na sa ayon ang kanyang pag iisip nang siya ay matagpuan. Siya daw ay inabanduna na ng kanyang mga kamag-anak sapagkat di na nila ito kayang alagaan pa at hinayaan na lamang magpalaboy-laboy sa kalsada.



Ang mas malala pa nito, ang pension na dapat na kanyang natatanggap matapos ang ilang taon serbisyo sa gobyerno ay di man lang niya nakukuha. Sa halip ang pamilyang umabanduna sa kanya ang nanginginabang nito. Ni-singkong duling ay wala man lang siyang nakukuha.

Ayon sa Executive Order 76, ang dapat na nakukuha ni Alpas na pension mula sa gobyerno ay dapat nasa humigit kumulang, 35,000 pesos kada-buwan.

Dahil dito, maraming netizens ang nagtulong-tulong upang maialis si Alpas sa kalagayan niya ngayon. Marami din sa kanila ang nagagalit sa mga kamag-anak ni Alpas dahil sa ginawa nila sa kanya.

Sa isang comment galing sa facebook user na si Amilita Hernando, sinasabi niyang “Lahat ng kamag-anak nitong lalaking ito, lahat kayo ay magbabayad sa kahayupang ginawa niyo sa kanya. Sa mismong ama, na nagsakripisyo sa inyo.

Sa sundalong ito na ginawa ang lahat upang protektahan kayo. Karma is real”. Ayon naman kay Cecille Matienzo, “Mga walanghiyang kamaganak ng beteranong ito. Dapat parusahan kung sino man ang kumukuha ng pension nya”.

“Nakakalungkot man isipin, hindi lamang ito ang tanging pagkakataong nangyari ito. Madaming ganitong kaso sa province. Pinabayaan ung matanda habang yung relatives nagkiclaim ng pension”, ayon naman kay Rich Hui.

“San kaya sya sana maski pagkain at damit mabigyan..at yung kamag anak pagbayarin sa mga kinuha nila matanda”, sabi naman ni Jernn Al Rain.

Ano sa palagay niyo ang dapat na kapakanan ng sundalong ito? Dapat nga bang managot sa batas ang kanyang mga kamag-anak? Mag komento sa ibaba.

Walang komento

Pinapagana ng Blogger.