Header Ads

12 anyos na valedictorian, nanalo ng isang bagong tricycle sa pa-contest ni Alex Gonzaga



Mula sa Nagcarlan, Laguna isang pamilya ang talaga namang masuwerteng nakakuha ng bagong tricycle dahil sa ginawang pa-giveaway ng sikat na artista at vlogger na si Alex Gonzaga nang ito’y minsang nakasama sa kanyang vlog kasama ang DOTr Secretary na si Sec. Art Tugade. "Mamimigay tayo ng isang tricycle sa nanonood ngayon (na) netizens" Ani Alex.



Ang nasabing dalawang personalidad ay naisipang magpa-contest habang sila ay nakasakay sa MRT. Ang netizen na makapagbigay ng pinaka magandang sagot sa katanungang, "Ano ang pinaka-nagustuhan n’yang pagbabago sa public transport. Si Sec. Art ang kumilatis sa mga sagot at ang namili ng nanalo habang ang premnyong tricycle naman ay pinaniniwalaang magmumula sa artistang si Alex G. Hulyo 30 nang matanggap ni Sec. Tugade ang email ng valedictorian na si Vincent Sotalbo.



Ang 12 taong gulang mula sa Nagcarlan, Laguna ay sinabi sa kanyang email na siya raw ay natutuwa na mas malinis na ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati. "Maganda rin daw na air-conditioned na ang mga ito at nakakapagpatupad ng safety protocols." "Malungkot ring ibinahagi ni Vincent na laging nasisira ang sasakyang ginagamit pamasada ng kanyang tatay kaya hindi rin nila ito mapakinabangan." "Gustuhin man daw nilang bumili ng bago ay hindi nila magawa, dahil ang kanilang pera ay nakalaan para sa tuition ng kanyang kuya na papasok na sa kolehiyo



"Si Vincent ay nagtapos ng Grade 6 sa Rizal Standard Academy, Nagcarlan, kung saan siya ay isang consistent scholar." Ibinahagi din sa Facebook page ni DOTr Secretary ang naging kasagutan ito mula sa email ni Vincent na siyang naging dahilan ng kanyang pagkapanalo.



Ganun nalang ang pagkatuwa at ang naging suporta ng mga netizens sa pagkapanalong ito ng 12-anyos na Valedictorian. Pagbabahagi pa nga ng ilang na malaking bahagi ng ating kaunlaran ang pakikinig sa mga mungkahi at pagpapahalaga ng mga kabataan sa mga proyekto ng pamahalaan. Kapalit nitopapuri naman ang natanggap ni Alex Gonzaga at Sec. Art mula sa kanilag mga taga subaybay dahil sa kanilang magandang layunin.


Walang komento

Pinapagana ng Blogger.